GAAAAAAAAH.
Nai-stress na'ko. As in. Naiinis na'ko pero di ko exactly alam kung kanino/saan/bakit.
...Okei, siguro kasi minsan feeling ko ako lang talaga ang tunay na concern sa thesis namin. Hindi naman ako nerd, hindi rin naman ako grade grubber o ano pa man, pero bakit kating-kati na'ko matapos tong survey namin para magawa na namin agad chapter 5 at 6 at matapos na'tong pesteng thesis na'to? Bakit parang ako lang ang willing i-sacrifice ang social life ko, ang rest day ko, etc., para sa thesis namin?
Kanina dapat mga quarter to 9.00am magmi-meet kami, magpapa-survey sa mga forenjer na meh klase sa Educ ng 9am-12nn. Maaga ako gumising syempre, at nagbibihis na'ko nang meh nagtext sa'ken na *bleeeeeeeeeeeeep*. Hindi pa nga malinaw yung pagkakatext eh. Di ko alam kung ibig sabihin ba ng text na yun eh di siya makakapunta, o di pa siya sure kung makakapunta siya. So nagtext ako para linawin pero poof, wala nang reply. Aaaaah, sige, sige, iintindihin ko nalang~ (*_*) Pero, gaaaaaaah, sana naman--- gaaaaah!!! *head desk* So hindi natuloy at naglalabas ako ngayon ng stress dito.
Yung isa naman, nakapagpamigay daw siya ng 40+ na survey questionnaires, pero meh sinoli siya saming 30+ na survey questionnaires. So paanong mangyayaring nakapag-distribute siya ng 40+ na survey sheets kung ang binalik niya samin eh 30+ na BLANKONG survey sheets? Ang catch, 50 survey sheets lang yung "pinagkatiwala" namin sa kanya. UHM? (Pwera nalang kung nagpa-photocopy pa siya ng mas marami, which I doubt, kahit na yun ang gusto ko isipin.)
Ngayon ang hinihintay ko nalang eh sabihin niya na nawala/kinain ng aso/binaha yung mga questionnaires na napamigay na niya.
BAKIT GANUN?!? =/
Kamote, ayokong maging self-righteous pero bakit ganun???? Kahit nage-effort ako feeling ko wala pa rin akong mapapala sa pinaggagagawa ko dahil hindi kami parehas ng nie-exert na effort ng mga ka-group ko.
Ayokong ma-stress dahil dito, ayokong ma-stress dahil sa isang school-related na bagay. Gusto ko nai-stress lang ako sa pag-iisip kung paano makukumpleto SeDeSi sa isang get-together, kung paano namin ise-celebrate ni
eatyounow ang birthday nina ken at yukkie ngayong busy-busyhan dahil sa school. AYOKONG MA-STRESS DAHIL SA THESIS AT THESIS-MATES KO. (*__*)
Maiiyak na'ko, konti nalang. (>_____>)
Iniisip ko nalang ngayon, meh plano si Bro. Nage-effort naman ako eh, so hindi Niya ako papabayaan. (*_*)
Matatapos din 'to. Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa
aaaaaaaaaaaaaay.